In my desire to be transparent to our kababayang OFWs, I have posted below some excerpts of the email exchanges between some of us here in reference to the setting up of an OFW BANK, with the indulgence of our kababayans who sent them.
From Andy P. of New Zealand:
“Ako po ay nalulugod at humahanga sa inyong adhikain na makapaglunsad ng isang banko na makakatulong sa ating mga kababayang Pilipino. Nabasa ko po ang inyong website at nakita ko ang determinasyon ninyo na maisulong ang ideya ng OFW Bank. Tama po kayo na marami na ang nagtangka pero wala pang nagtagumpay na makapagtayo ng isang matatawag na OFW Bank. Hindi po ‘yun maaaring dahilan na dapat kayong umatras sa laban dahil lahat ng sumuong sa laban na ‘yan ay natatalo laman. Dapat din po nating suriin ang mga kadahilanan kung bakit hindi sila nagtagumpay at kung ano ang kanilang motibasyon sa pagtatayo ng banko. Sa kadahilanang marami ang kokontra o kaya e negatibo ang pananaw, doon mo makikita at makikilala na marami pa rin sa ating mga Pilipino ang hindi bukas sa mga ganyang ideya. Maaring sa kadahilanan na maaaring likas o kaya ay hinubog ng panahon sa pagka-sadlak sa pamamahalang bulok at puno ng korupsyon. Hindi natin maaalis sa kanila ‘yun. Subalit ako’y natutuwa sa kadahilanang maraming mga Pilipino ang nagbigay ng komento sa inyong website at sa gmanews.tv ang bukas sa ideyang eto. At ako ay kaisa ninyo sa adhikaing ito at handa po akong tumulong sa abot ng aking makakaya. Isa din eto sa aking pinangarap na makapag-ambag sa ikakasulong ng pamilyang Pilipino.
Ako ay lubos na natuwa ng mabasa ko ang inyong ideya para sa isang “Foreign Retirees in the Philippines” type of business sa kadahilanang ganitong konsepto din ang