Tuesday, January 18, 2011

OFW Remittances Have Soared Past The $17B Mark As of Nov 2010 - BSP

The $17B OFW remittance from Jan-Nov 2010 is around P748-B! It's a very big amount infused to our local economy. (See Source).

If only our OFWs can make it a habit to save just one percent (1%) of whatever money they earn abroad, which is equivalent to P7.48B, they can very easily put up a big OFW BANK (commercial bank) just from their 1% savings! The minimum required cash capital to put up a commercial bank is only around P3-B compared to their 1% savings of P7.48B!

Halimbawa lang po: Kung ang karamihan ng OFW ay kumikita ng average of P30,000 a month, ang 1% savings po ay halagang P300 lamang o kaya P150 sa akinse at P150 sa katapusan. Mas malaki pa po ang ginagastos ng kanilang mga anak sa Pinas sa load ng celfon o kaya panglaro sa online games na iba ang nakikinabang, yung mga dati nang mayayamang malalaking negosyante. Bakit hindi po natin gamitin yun para sa inyong kapakanan this time which will bring long-term economic & financial benefits to you and your loved ones.

Pag 2% ng kanilang kinikita ay itatabi aba that's around P15-B in just one year. E ang BDO ang CASH ASSET po nila noong end of 2009 ay nasa P32 Billion lang po, ibig sabihin kung magtabi lang ang OFWs ng 4% ng kanilang kinita sa buong taon that's P30 Billion at katapat niyo na po kaagad ang BDO, sa isang taong pagtitipid lang po yan. E lalo na po pag ginawa nyo pong regular habit na yan taon-taon naku po mauungusan na po ninyo ang BDO. See http://www.bdo.com.ph/aboutus-... for reference.

Tunay na maging dakila ang mga OFW po natin kapag nagmamay-ari na po sila ng OFW BANK. Ganito po ang layunin ng mga kababayang OFW po natin na nagtutulungang paitaguyod ang pagtayo ng OFW BANK. Patuloy po nating itaguyod ang ganito pong layunin upang mapaangat ang kalagayan at kapakanan ng mga OFW. Mabuhay po kayo.

Maaaring may mga nagdududa po at nag-iisip na baka raket lang po ito, kaya yun po ang iniiwasan natin na maging kaisipan ng mga kababayan natin kaya po we don't encourage any collection or contribution of anything, we do everything voluntarily because I believe that if God has blessed this idea, God will use many people, events and circumstances to make this dream a reality.What we encourage here is for our OFWs to start make saving money a habit. 

Never dream for an OFW BANK if you cannot even learn to save just 1%, 2% or 5% of your income. It takes some kind of self-discipline and determination. Kailangan po minsan marunong tayong tumangging pondohan ang luho ng ating mga anak kung tayo po ay seryoso sa ating pagnanais na mapaunlad ang kanilang buhay at kinabukasan, at upang mas maagang makauwi "for good" ang ating OFWs.

Mabuhay po ang ating OFWs!


RELEVANT ARTICLES HERE:

    No comments:

    Post a Comment